Panimula
(Panimula)
Ano nga ba ang Work Immersion?
Ang Work Immersion ay bahagi ng Senior High School (Grade 11 at 12) Curriculum na nangangailangan ng 80 oras na pagsasagawa ng aktwal na trabaho or “hands-on” experience upang maranasan ito ng mga estudyante. Maari din itong paggaya lamang sa aktwal na trabaho or ‘simulated’. Hindi maaring lumampas ng 8 oras bawat araw ang pagsasagawa ng trabaho. Kailangan din gabayan ng eskweleh An an at employers ang mga estudyante.Hindi ito isang aktwal na kasunduan para makapagtrabaho. Ito ay isang proseso para maipakita sa mga estudyante ang proseso ng pagtrabaho at mapagbutihin pa ang kaalaman na ibinabahagi ng mga eskwelahan.
Pangunahing Gabay sa mga ‘Working Conditions’ sa Work
Immersion Program:
1. Maari lamang ganapin ang work immersion program mula 8:00am - 5:00pm.
2. Para sa mga estudyante na mas mababa sa 15 ang edad, hindi maaring humigit sa 4 oras sa isang araw ang kanilang work immersion.
3. Ang estudyante ng SHS ay hindi maaring magsagawa ng work immersion sa mga industriya na "hazardous" (delikado) na nailathala sa DOLE Dept Order No. 149, Series of 2016 (Guidelines in Assessing and Determining Hazardous Work in the Employment of Persons Below 18 years of Age).
4. Hindi maaring maging kapalit sa mga empleyado ang mga estudyante na nagsasagawa ng Work Immersion at maging sanhi ng pagbabawas ng mga benepisyo sa mga empleyado.
Mga mahahalagang ugale sa pinagtrabahuhan
Sa akin pong pagtetraining una po sa City Vet kung saan may mga patakaran din po dun na susundin mo.Kailangan hindi ka dapat maging mataas sa kanila.Papakisamahan mo sila ng ayos.Susundin mo ang kanilang utos at igagalang mo sila.Sa oras naman ng kainan kailangan susundin mo ang kanilang ibibigay oras sayo.Bawal malate dapat makikinig ka sa kanilang payo at patakaran.Hindi ka dapat mareklamo kung ano ang ipagawa sayo.Bawal din magmasungit sa ibang nagtetraining dun.Kailangan pakisamahan mo din sila ng ayos.Maging mabuti kang ehemplo sa kanila at paghusayan mo dapat ang mga gawain dun.Kailangan matulungin ka din sa kanila.Kahit hindi ka inuutusan kialngan may kusa ka.Kailangan sa pagtatrabaho mo maging masipag,at matiyaga ka.Kung ano ang ibinigay sayong trabaho tanggapin mo ito kahit mababa ang sweldo mo magpasalamat ka.Natutunan ko din na kailangan maging strikto ka sa mga empleyado mo dahil kung hindi aabusuhin ka nila.Kailangan makisama ka din sa kanila pero pag oras ng trabaho dapat seryoso kayo.Kailangan din kayong magtulungan sa isat isa.Sa Candlelight Cafe naman po ay napakastrikto ni Dra.Marichu kailangan susundin mo ang bawat utos niya.Ayaw niya kase na nakaupo ka lang.Kailangan gumagawa ka kahit di ka inuutusan.Natutunan ko po na hindi basta basta ang pagtatrabaho dahil doon nakasalalay ang kabuhayan mo.Kailangan bawat oras pagtyatyagaan mo ito.Kailangan sa pagtatrabaho wala kayong inggitan sa isa't is hindi porket pinuri ang katrabaho mo magtatago ka ng sama ng loob dahil sa pagtatrabaho pantay-pantay naman kayo diyan.Pakisamahan mo ng mabuti ang katrabaho mo at magtulungan kayo sa bawat trabaho na ginagawa nyo dahil sa pagtatrabaho para na rin kayong iisang pamilya.
Unang araw na pinagtrabahuhan
Abril 23,2018,Araw ng Lunes nagising ako ng maaga.Dahil bagong araw,simula at bagong linggo.Maaga akong nagising dahil ngayon magsisimula ang aming ''Work Immersion''.Pagdating namin sa City Vet agad kaming nagbatian ng mga kasama ko at mga kaibigan.Una po kinabahan kami at hindi namin alam ang gagawin dito 8:00am dumating si Doc Dianne akala ko nung una strikto siya at masungit pero nung nakilala namin siya mabaet,palatawa,at tinutulungan niya kami kung ano ang dapat naming gawin.Una pinapasok na kami.Ininterview niya kami kung ano ang pangalan namin?Bakit konektado ang City Vet sa starnd namin?Pagkatapos po nagbigay po siya ng mga ideya tungkol sa City Vet.Lalo na sa mga hayop tulad ng Aso,Pusa,Manok,Baboy,at Baka.May pinanood din siya sa amin kung paano tratuhin ng tao ang mga hayop.Pagkatapos naming panoorin nagkaroon ako ng mga ideya tungkol sa City Vet.At pinapunta kami Dra.sa computer kung saan nakilala namin si Kuya Adrin kung saan itinuro niya sa amin kung paano maglista ng mga hayop.Isa sa mga natutunan ko ay ang DHS at Persian kung saan pag may nakita kang ganiyan sila ay mga pusa.Bumisita din kami sa kulungan ng mga baboy at baka kung saan ipinakita ni Inspector Jun kung paano kinakatay at nililinis ang mga Baboy.Ia na rin po natutuann din po kung paano magwelcome sa costumer kung paano papipil-apan ang mga papel.Natutunan ko din po kung paano magxerox ng mabilis lalo na kung madami ang papel na ixexerox mo.Pingaralan din po namin ang tungkol sa anti-rabies Pinakamasaya po ay yung sa baboy kung saan ipinakita kung paano siya pinapaliguan at kinakatay kung maysakit ba ito kase pinag-aaralan nilang mabuti at tinitingnan ang mga hayop bago dalhin sa pamilihan dahil ngayon marami na ang nagkakasakit dahl sa kumakalat ngayon na sakit ng manok na ''birdflu''.Tinuruan din po kami sa computer kung paano isaved yung mga alagang hayop na binakunahan mahirap po siyang gawin dahil nakakalito dahil sa ibat ibang lahi ng hayop.Iba't ibang tao ang nakakasama namin at nakakasalamuha mahirap po dahl may kaniya-kaniya kaming gusto at kaugalian pero nagkakasundo din naman po kami.Masasabi ko po ang unang araw ko ay masaya at madami po akong natutunan.
Ang resulta ng pagsisikap
Sa pagtatapos ng aming ‘’Work Immersion’’ masasabi kong madami akong nalaman at natutunanan Lahat ng hirap,pagod,sakit ng katawan,at paggising ng maaga ay wala lang dahil nang natapos kaming magtrabaho lahat ng pinaghirapan namin ay parang wala lang.Dahil nakikita ko ang pinaghirapan at pinagsikapan kong trabaho.Sa una kong pagtatrabaho inutusan agad kami na magwalis ng kanilang kapaligiran.Sa umpisa nung nakita kong napakadaming dahon,basura,at alikabok sabi ko sa sarili ko parang hindi ko kaya to!dahil lagi kang nakayuko.Nakakapagod nung una masasabi ko nung umpisa naging mareklamo ako dahil sabi ko sa sarili ko hindi ito ang gusto kong trabaho.napagtanto ko na hindi sa lahat ng oras ikaw ay mataas.lagi kang maguumpisa sa mababa bago ka itaas.Nakilala ko ang ibang mga empleyado doon kung saan ang mga kinuha nilang kurso ay malayo sa trabaho nila ngayon.Hindi mo rin daw masisisi sila dahil mataas naman ang kanilang sweldo Nagumpisa din sila sa mababa bago naabot ang trabaho nila ngayon.Isa na din si Dra.Marichu nagkuwento siya sa amin ng pinapangarap niyang trabaho.Kumuha siya ng kurso na medisina ngunit hindi rin siya nagtagal sa trabahong ito dahil ba’t ibang tao ang makikilala mo .Sinabi niya na napakahirap,laging puyat,nawawalan ka ng oras sa pamilya,at sa sarili mo. Pero nung hindi siya nasiyahan sa pang-gagamot umisip siya ng negosyo ng isang restaurant na kakaiba. Pero bago pa siya nagtagumpay naloko muna sila dahil may kompanya na magkasosyo sila sa negosyo ngunit hindi ito nagtagal kaya naman sabi niya bakit hindi nalang ako ang magtayo ng sariling negosyo.Nag-umpisa siya sa maliit na puhunan hanggang sa hindi niya akalain na magugustuhan ito ng mga tao.Ginamit niya ang kaniyang sariling ideya hangga’t nakapagpatayo siya ng isang negosyo ang Candlelight Café Lipa.Hindi lang siya restaurant at meron din silang pagawaan ng kandila na iba’t iba ang mga disenyo at meron ding summer lesson sa mga mahihillig magdisenyo at may mga talento.Masasabi ko pong napakabait niya dahil nagbibigay siya ng libreng summer lesson sa may mga talento at hindi kayang magbayad.Hinhangaan ko po siya dahil kahit may narating na siya nananatili pa rin ang kagandahan ng kaniyang puso at taglay niyang kabaitan.
Pinakamahirap na trabaho
Sa akin pong naging karanasan sa pagtatrabaho isa na po sa nahirapan ako ay sa Candlelight Café kung saan araw-araw ay wawalisan mo ang paligid nila.Kailangan lagi kang maaga pag pupunta ka dun.Dahil marami ang naglalaglagan na dahon.Madaming mga dahon ang naglalaglagan at wala itong tigil.Mahigit dalawang oras din po kami nagwawalis.Minsan nananakit yung aking likod dahil sa pagyuko.Isa pa ay yung pagpupunas nang mga bintana.Minsan sa pagkakamali naming napapagalitan kami dahil sa mali naming Gawain.Napapaisip po ako ‘’training’’ pa lang nahihirapan na kami paano pa kaya pag kami ay nagtatrabaho na.Kailangan sa bawat galaw mo ay maayos.Hindi ka dapat nagkakamali at kailangan maganda ang pagkakagawa mo.Isa pa ay ang pag-aasikaso ng mga bata.Ang iba sa kanila ay makukulet at hindi nakikinig sa sinasabi mo tinatawanan ka lang.Napakahirap din po palang magturo at magdisipina ng mga bata.Isa pa ay yung pagdidikit ng durog-durog na tiles sa pader.napakahirap po gawin dahil kailangan tama ang pagkakadikit mo at ang pagdidisenyo nyo.Dun po kami lage napagsasasabihan dahil mali ang ginagawa namin.Sa oras ng trabaho bawal ka gumamit ng cp o kaya matulog dahil kahit hindi nakatingin ang amo mo dapat sinusunod mo pa rin ang ipinapagawa niya.Kailangan hindi ka magmataas sa kanila.Isa pa po ay sa City Vet kung saan ang mga alagang aso kailangan alam mo din kung paano sila aalagaan at kung may ‘’rabies’’ dapat alam mo ang gagawin.Nahirapan din po ako dun sa paglilista ng lahi ng aso at pusa.Napakahirap po palang trabaho ang mga hayop dahil madami kang kailangan gawin at paghirapan pagdating sa kanila.
Pangalawang araw na pinagtrabahuhan
Sa Candlelight Café ang pangalawa po naming pinagtrabahuhan.Kung saan madami rin po akong natutunan.Kailangan mas maaga kang dadating kesa kay Dra.Marichu.Kailangan pagdating mo magwawalis ka na agad ng harapan at lilinisin mo ang maduduming parte ng Candlelight.Masaya din naman po sa Candlelight dahil pinapakain ka nila ng maayos at mababaet naman po ang mga trabahador dun.Kung saan tinuruan po kami kung paano mag pluster at kung paano gumawa ng kandila.Napakaganda po ng kanilang negosyo dahil kakaiba at punong-puno ng disenyo ang loob nito.Sa bawat disenyo ay mapapahanga ka dahil kakaiba ito at magandang pagmasdan.Talagang ang mga tao ay hahanga dahil sa angking ganda nito.Nalaman ko din po ang naging talambuhay ni Dra.Marichu kung saan bago sya magsimula sa negosyo madami din siyang mga pinagdaanan kung saan nung una hindi naging maganda ang takbo ng negosyo niya hanngang napag-isip nya bkit hindi nalang sya ang mag-isip kung ano ang papatok sa tao.Hanngang naisip nya ang Candlelight Café kung saan ang mga kandila ay iba’t iba ang disenyo at magaganda ang estrakura nito.Napakabait din po ni Dra.Marichu sa kanyang mga empleyado at ang pakikitungo niya sa akin ay napakaganda at madami po kaming natutunan sa kanya.Marami din po siyang naibahagi sa amin tungkol sa pagnenegosyo.Nagkaroon din po kami ng ‘’recitation’’ sa kanya kung saan pag-aaralan mo ang pinagmulan ng Lipa at ng Kapeng Barako.Natutunan ko po dun marami pa pala akong hindi alam tungkol sa Lipa.Sa bawat pagbigkas naming ng mga letra sa kanya sya ay napapahanga at madami siyang ibinabahagi tungkol sa Lipa at sa Kapeng Barako.Tunay nga naman sa aming pagtatrabaho marami akming nalaman at natutunan.
Kung ako ang boss
Sa nakikita ko po sa City Vet.Kung katulad din po nila akong magiging ‘’boss’’ balang araw at ganun din ang gagawin ko.Tulad nalang po ng ginagawa ni Dra.Dianne talagang bilang isang mataas sa City Vet sya yung tipong hindi suplada sa empleyado at napakabait nya.Talagang kahit bago ka tuturuan ka niya ng iba’t ibang bagay na hindi mo nalalaman.Minsan napakahigpit niya din lalo na kung mali ang ginagawa mo.Napakagalang niya sa mga taong bago lang sa paligid niya.At pagdating naman sa pagbabakuna ng aso at ibang mga hayop lagi po siyang nandiyan upang alalayan ka.Kahit minsan hindi ko po siyang nakitang magsungit lagi po siyang ngumingiti sa amin.Hindi naman po siya masyadong istrikto talagang pag nagalit siya titingnan ka lang niya sa mata.Madami po akong natutunan sa kanya.Kailangan bago ka gumawa ng isang bagay pag-isipan mo muna ito ng mabuti para maging maganda ang resulta nito.Sa Candlelight naman po napakahigpit ni Dra.Marichu dahil kapag nagtatrabaho ka na sa kanya bawal ang gumamit ng cp lalo na pag oras ng pagtatrabaho.Ayaw niya na makikita ka niya nang walang ginagawa.Kailangan sa bawat parte ng Candlelight lilinisin mo ang bawat dumi at ang paligid nito.Kailangan tutulungan mo siya sa pag-aasikaso ng mga bata.At kailangan lagi kang nakangiti sa mga nadating na tao.Dapat hindi ka mareklamo kung ano ang ipapagawa sayo dahil wala ka pa namang nararating.Madami po siyang ibinigay na payo para sa aming hinaharap.Sabi niya sa pagnenegosyo kailangan nandun ang sipag at tiyaga.At kailangan wag kang susuko ano man ang problema na dumating sayo.May pagka-istrikto din po siya dahil pag may mali kang nagawa talagang pagsasabihan ka niya.Kung dumating man po yung araw na magiging ‘’boss’’ako siguro po gagawin ko din yung mga ginawa nila.Sila po ang magiging inspirasyon ko po dahil madami silang naibigay na payo sa amin.Magiging strikto din po ako para maging maganda ang trabaho ng mga empleyado ko.At magiging maayos akong’’boss’’ sa kanila dahil gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ko sila sa kanilang mga gawain.At magiging isang ehemplo ako para sa aking mga empleyado.
Featured employee.
Sa City Vet naman po ang mga empleyado ay napakabait,at laging nakangiti.Talagang kahit bago ka sa kanila talagang ngingitian ka nila at tuturuan ng mga kailangang gawin.Hindi sila yung tipo na mas mataas pa sa ‘’boss’’ nila napakabait din nila at magbibigay sila ng ideya sa mga kailangan mong gawin.Sa City Vet naman po nakakwentuhan naming si ate Nitz kung saan matagal na po siyang nagtatrabaho sa Ciy Vet kung saan ikinukwento niya sa amin lahat ng pinagdaanan nya at bago marating ang mataas ding posisyon.Sabi niya sa amin kailangan hindi ka magmataas.Kailangan andun pa din ang mababang kaugalian at dapat isip at puso ang ginagamiit.kailangan making ka din sa ‘’boss’’ dahil isa sila ang pwedeng tumulong sayo pag nahihirapan ka sa pagtatrabaho.Nakapagpatapos siya ng dalawang anak na talagang mahirap abutin ang mga kurso ngunit napagtapos niya ito.Sabi niya sa amin sipag at tiyaga lang ang kailangan mong gawin.napakabait po ng mga empleado sa City Vet at yung iba ay nagpapatawa pa.Sa Candlelight naman po may mga empeyado na napakaseryoso talaga kung saan kahit may nakakatawa hindi sila natawa.Yung iba naman po sa kanila mababaet yung iba naman po napakatahimik.Bilang sa naging isa nila kong empleyado madami po akong natutunan sa kanila.Isa na po ang kanilang mga payo at ang mga tinuturo nilang magandang asal sa amin ay hindi ko po makaklaimutan.Napakabait po nila at napakagandag pagmasdan ang kanilang ginagawang trabaho.Bilang isa sa nagging empleyado nila nahirapan din po ako dahil madaming gawain ngunit sa kabila ng lahat nakaagapay po sila sa akin at nagagawa ko po ng maayos ang aking mga gawain kaya nagpapasalamat po ako sa kanila dahil madami akong natutunan at madadala ko po hanngang sa kasalukuyan.
Ang aking mga natutunan
Sa akin pong karanasan sa pagtatrabaho isa na po sa mga natutunan ko ay ang making sa nakakataas sayo kailangan magkaroon ka ng kumpiyansa at tiwala sa sarili mo para magawa mo ang mga gawain mo.Natutunan ko pa sa City Vet kung paano magbakuna ng aso at manok dahil pinapanood po sa amin ni Dra.Dianne ang mga proseso.Isa na rin po kung paano mag asikaso ng mga tao na kailangang magbakunang kanilang mga alagang hayop.Pinagawa rin po sa amin kung paano paghiwalayin ang aso at pusa kung saan ililista mo ang kanilang mga lahi,at kung anong uri sila ng hayop.Kailangan aalagaan mo ang mga hayop mahalin mo sila gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.Isa na rin ang sakit na ‘’Rabies’’ kung saan nagdudulot ito ng pagkamatay kung hindi ito maaagapan kailangan habang maaga pa pabakunahan mo na kung may mga alaga kang hayop.Sa mga empleyado po ang dami ko pong natutunana sila po ang nag-aasikaso sa amin at tinuturuan po nila kami ng tamang pagtatrabaho at kaugalian.Napakabait po ng mga empleyado nila nagkukuwento po sila ng mga naging buhay nila bago sila nagtagumpay.Naging masipag din po ako sa City Vet na hindi ko naman ginagawa sa aming bahay tulad nalang po ng pagawalis ng harapan kahit sa bahay bihira ko po yung gawin simula po nung nagtrabaho ako sa City Vet nadala ko po ito sa aming bahay at agad po itong ikinatuwa ng magulang ko.Sa Candlelight naman masasabi kong natutunan ko po dun maging isang negosyante dahil napakadami ko pong nalaman kay Dra.Marichu kung saan hindi sa lahat bagay ay aasenso ka dahil may kasama itong paghihirap at tiyaga.Natutunana ko po na kailangan ay bago ka magplano ng isang negosyo pag-isipan mo itong mabuti kung maganda ang kalalabasan nito.Hinahangaan ko po ang Candlelight Café dahil napakaganda ng kanilang negosyo punong-puno ng disenyo at artistiko ang gumawa.Sa pag-alis ko po sa aking pagtatrabaho nadiskubre ko na mas masarap pa rin pala ang mag-aral dahil pag ikaw na pala ang nagdedesisyon para sa sarili mo mas lalong mahirap kailangan mo lang ng tiwala sa sarili.sipag,at tiyaga at kahit may narrating ka na kailangan mananatili pa rin ag kababaang loob at kung saan ka nanggaling noon kailangan ganun ka din hanngang ngayon kailangan hindi mo kakalimutan kung ano ka noon wag kang magbabago kundi mahalin mo ang sarili mo at ang iyong kapwa at higit sa lahat panatilihin ang kababaang loob at ang kabutihan ng ating puso.
Ang aking Future.
Sa akin pong karanasan sa pagtatrabaho masasabi ko pong handa na kong harapin ang aking kinabukasan kung saan po may ideya na ko kung paano ko sisimulan ang aking’’Future” Malaki po ang naitulong ng aking mga karansan sa City Vet at sa Candlelight Café kung saan po nagkaroon ako ng madaming kaalaman sa kanila madami po silang naging payo sa akin na na kailanman ay hindi ko po makakalimutan Masasabi ko lang kailangan gusto mo ang kurso mong kukunin para sa bandang huli wala kang pagsisihan nagpapasalamat po ako kase may ganitong programa ang K to 12 kung saan lalo pong nadagdagan ang aming kaalaman at mas lalo po kaming nagsipag na mag-aral para pagdating araw ay matulungan po namin ang aming mga magulang gusto ko pong ipakita sa kanila na gagawin ko ang lahat makapagtapos lang po ako ng pag-aaral dahil ang edukasyon ay kailanman ay hindi mananakaw at mananatili ito na pansarili mong kayamanan.Sa pagtatapos po ng aking karanasan sa pagtatrabaho masasabi ko pong babalikan ko ulet sila pag natupad ko na ang aking pangarap madami po silang naibigay na ideya at ang mga kaugalian na kailangan ay hindi babaguhin.Masasabi ko pong handa na kong harapin ang aking kinabukasan hindi na po ako natatakot kase may ideya na po ako at kaalaman kung paano ko sisimulan ang aking ‘’Future” gagawin ko po ang aking makakaya at pagsisikapan kong mabuti ang pagtatrabaho at lahat po ng natutunan ko ay dadalhin ko at ibabahagi ko sa ibang tao ang aking naging karanasan sa “’Work Immersion” napakalaking tulong po lalo na sa aming mga kabataan dahil nagkaroon po kami ng iba’t ibang kasama at karanasan sa pagtatrabaho pati na rin po para sa kinabukasan gagawin ko po ang makakaya ko upang matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.
c
,

c






Mga Litrato














Comments
Post a Comment